Tuesday, July 29, 2014
Kabihasnan sa Pasipiko
Kulturang Pasipiko
-Ang rehiyon na Oceania ay matatagpuan sa Karagatang Pasipiko.
-Binubuo na rito ang Polynesia, Micronesia at Melanesia.
Polynesia
-Ang salitang "Polynesia" ay galing sa salitang Griyego na Polus na ibig sabihing ay marami at nesos na ibig sabihin ay pulo. Bahagi nito ang mga pulo tulad ng Fiji, Samoa, Tonga at Tuvalu.
-Sakop nito ang triangulong territoryo:
-Hilagang-Silangan ang Hawaii
-Timog-Silangan ang Easter Island
-Kanluan ang New Zealand
Kultura at Kabuhayan
-Umaangkop sa uri ng kapaligiran.
-Sila ay naging bihasang manlalayag.
-Karamihan sa kanila ay nasanay sa sonang tropikal tulad ng mga katutubo sa Hawaii.
-Samantala, mayroongmga Polynesian na naninirahan sa New Zealand at nasanay sila sa mahalumigmig na kapaligiran.
-Ang tahanan ng mga Polynesian ay yari sa kahoy, kawayan, at mga dahon ng saging.
-Nakasalalay ang kanilang pamumuhay sa pangingisda at pagtanim ng breadfruit, saging, gabi at niyog.
-Gumagawa rin sila ng inumin na ang tawag ay kava na ginagamit sa mga seremonya ng pamayanan.
- Naimbento rin ng mga Polynesian ang Catamaran, isa itong bangka na may dalwang hull or katawan.
Micronesia
-Ang Micronesa ay halow sa salitang Griyego na Mikros na ibig sabihin ay maliit at nesos na ibig sabihin ay mga pulo. Bahagi ng Micronesa ang pulo ng Guam, Northern Mariana Islands, Kiribati Palau, Federated States of Micronesia, Marshall Islands, Nauru at Wake Island.
-Isang bahagi ng Pasipiko na pinakamalapit sa Pilipinas.
Kultura
-Ang mga Micronesian ay galing din sa lahi ng Austronesyano na nanggaling sa Timog China at Formosa (Taiwan).
-Magkaugnay ang kultura sa kabihasnan sa Pilipinas at Polynesia.
-Tulad ng mga Polynesian, ang mga Micronesian ay mahusay ring maglayag sa karagatan.
-Gumagamit din sila ng teknolohiyang wayfinding sa kanilang pangingisda o ang paggamit ng araw, buwan, at mga bituin bilang gabay sa paglayag.
-Bukod sa pangingisda, pangunahing gawain din ng mga Micronesian ang pagsasaka.
-Ang mga pamahalaan naman ng mga Micronesian ay karaniwang hiwa-hiwalay ng mga pamayanan.
-Bago dumating ang mga Kaunlarin, umiral muna sa Carolinesang imperyo. Ang kabisera ng imperyong ito ay nasa Sonsorol sa pulo ng Yap.
-Ang wika naman ng mga Micronesian ay kabilang sa grupo ngmga wikang Austronesian. Iba't iba ang wikang ito
-Ang Wika ng Marianas ay Chamorro
-Ang Wika ng taga-Chuuk ay Chuukese
-Ang Wika ng Yap ay Yapese
-Ang Wika ng Kosrae ay Kosraeese
-Ang Wika ng Pohnpei ay Pohnpeinese
-Naniniwala rin ang mga Micronesian sa mga espiritu ng kanilang mga ninuno.
Melanesia
-Matatagpuan ang Melanesia sa Kanlurang Pasipiko. Sila ay may lahing Austronesian. Galing ito sa salitang Griyego na Melas na ibig sabihin ay maitim at nesos na ibig sabihn ay pulo.
-Sakop ng Melanesia ang mga pulo ng New Guinea, New Caledonia, Solomon Islands, Bismarck Islands, Northfolk Island, Flores Island, Nauru, Sumba, at ang pulo ng Timor.
Mamayan
-Tinatayang matagal nang nannirahan ang mga ninuno ng mga Melanesian sa New Guinea bago ito nagsimulang lumipat sa mga pulo sa Timog Pasipiko 35000 taon na ang nakalipas.
-Nakaabot sila hanggang Solomon Islands at maliliit na pulo na malapit dito.
-Kung ihahambing ang mga Melanesian sa mga Polynesian at Micronesian, sila ay magkaibang lahi.
-Sa tradisyunal na lipunang Melanesian, ang kanilang pinuno ay napipili hindi dahil sa pagmana ng puwesto ng kapangyarihan, kundi dahil sa katangian ng indibidwal tuladng kalinangan sa pag-laban at paghihimok ng katapatan ng nakakarami.
-Ang mga katutubo ng New Guinea aysanay tumira sa gubat.
-Nabubuhay sila sa pamamagitan ng pangangaso, pagtatanim, at pangingisda.
Labels:
Sa Pasipiko
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Nice One :)
ReplyDeletethanks nice presentation
ReplyDeleteBruh, u ok?
ReplyDeleteBro?
ReplyDeleteThanks ��
ReplyDeleteWhat other info is there?
ReplyDeletebro wtf???
ReplyDelete😔🤢
ReplyDelete❤❤❤*
Delete