Tuesday, July 29, 2014

Ang Mga Sinaunang Kabihasnan sa Mesopotamia


Mesopotamia
-Matatagpuan ito sa rehiyon ng Fertile Crescent na matatagpuan sa Kanlurang Asya.
-Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso na ang ibig sabihin ay “pagitan” at potamos o “ilog”.
-Nagmula sa salitang Griyego na ang kahulugan ay "lupain sa pagitan ng dalawang ilog"
-Sa Hilaga nito ay Kabundukang Taurus.
-Sa Silangan nito ay ang Kabundukang Zagros.
-Ang hangganan ng Mesopotamia sa Timog ay ang Disyerto ng Arabia at sa Timog-Silangan ay ang Golpo ng Persia.
-Ang mga magsasaka na naninirahan dito ay nagsanib pwersa upang bumuo ng mga lungsod-estado tulad ng Uruk, Kush, Lagash, Umma at Ur.
- Sa Mesopotamia nahubog ang apat na kabihasnan: Ang Sumer, Babylonia, Akkad at mga Assyria.


Sumeryano
-Ang unang pamahalaan na matatagpuan sa Mesopotamia.
-Pinamumunuan ng mga pari na naninirahan sa templo na tinatawag na Ziggurat.
-Ang lipunan sg Sumer ay napangkat sa apat.
  -Ang unang pangkat o iyong nasa taas ay kinabibilangan ng mga pari at hari.
  -Ang ikalawang pangkat naman ay binubuo ng mayayamang mangangakal.
  -Ang ikatlong pangkat ay ang pinakarami at binubuo ito ng mga magsasaka at artisano.
  -Ang ikaapat at pimakamababang antas ng lipunang Sumeryano ay binubuo ng mga alipin.
-Mula 3000 hanggang 2500 BCE , napasailalim sa pamumuno ng mga hari angmga lungsod-estado ng Sumer.
-Ang unang nakabuong sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform. Sinusulat ng tabletang putik ang cuneiform gamit ang isang stylus.
-Sa larangan ng Matematika, may isang sistema ng pamilang na nakabase sa bilang na 60.
-Sa arkitektura, ang pagbuo ng mga gusali ay namana na din ng mga Sumeryano katulad sa paggawa ng ziggurat, arko, at column.
-Sa larangan ng transportasyon, nilikha ng nila ang gulong at layag.
-Ang maituturing na may politiestikong pananampalataya. Ito ay dahil pinaniniwalaan nilang pinamamahalaan ng mahigit 3000 diyos ang iba't ibang aspekto ng kanilang buhay.
-Ito ang halimbawa ng mga diyos nila
  -Enlil- ang pinakamakapangyarihan nilang diyos. Diyos ng ulap at hangin.
  -Shamash- diyos ng araw na nagbibigay ng kaliwanagan.
  -Inanna- ang diyosa ng pag-ibig at digmaan.
  -Udug- Ang pinakamaba na antas ng mga diyos na pinaniwalaan nilang tagapaghatid ng sakit, kamalasan at gulo.


Akkadian
-Dulot ng madalas ng pakikidigma ng mga lungsod-estado ng Sumer sa isa't isa, humina ang kakayahan nilang pangalagaan ang kanilang territoryo. Dahil, unti-unting nasakop ng Sumer ang kahariang Akkad.
-Pinamumunuan ni Sargon the Great.
-Sa ilalim ng pamamahala ni Haring Sargon, lumawak ang sakop ng Akkad at kinikilala bilang unang imperyo.
-Nagtagal ang imperyo ng mahigit 200 taon at pagkatapos ay nagkawatak-watak muli ang nasakop na bayan.


Babylonian
-Sa pagsapit ng 2000 BCE, isang panibagong  pangkat ng mga mananakop ang naghari sa Mesopotamia. Sila ang Amorites na nagtatag ng kabisera sa Babylon.
-Ang babylon ay nangangahulugang pintuan sa langit.
-Sa pagitan ng taong 1792 hanggang 1750 BCE, nakamit ng imperyong Babylonian ang rurok ng kapangyarihan sa ilalim ng pamumuno ni Hammurabi. Makalipas ang dalawang siglo, nabuwag ang imperyo dahil sa pananalakay ng mga mananakop ng pastoralistang nomadiko.
-Sa larangan din ng Matematika, Nag-iwan sila ng clay tablet na may tala ng kanilang kasagutan sa mga komputasyon patungkol sa multiplication at division.
-Maituturing naman na pinakamahalagang ambag ng Babylonian sa sangkatauhan ay ang kodigo ni Hammurabi.
  -Ang kodigo ng Hammurabi  ay isa itong kalipunan ng mga batas na ang layunin ay pag-isahin ang lahat ng mga batas mula sa iba't ibang bahagi ng imperyo.
  -Binubuo ng 282 batas na sumasaklaw sa lahat ng bahagi ng lipunan.


Assyrian
-Mula naman 850 hanggang 650 BCE, sinakop ng mga Assyrian ang mga lupain sa Mesopotamia, Egypt at Anatolia.
-Isinaayos nila ang kanilang nasasakupan sa isang imperyo. Ang mga lupaing malapit sa Assyria ay gunawang lalawigan at angmga kaharian na kaalyado ng imperyo ay pinangalagaanng hukbong Assyrian laban sa mga kaaway at mananalakay.
-Hindi nagtagal ang imperyo ng mga Assyrian dahil nag-alsa ang kanilang mga nasasakupang mamamayan dulot na rin ng kanilang kalupitan.
-At sa pagsapit ng 612 BCE, tuluyan nang nagwakas ang imperyo ng mga Assyrian nang talunin ito ng pwersa ng mga Chaldean at ibang kaanib ng kaharian.


Chaldean
-Sa pagkatalo ngmga Assyrian, itinatag ang mga Chaldean ang kanilang kabisera sa matandang lungsod ng Babylon. Muling naging sentro ng bagong imperyo ang lungsod ng Babylon makalipas ang 1000 taon nang una itong maging kabisera sa pamumuno ni Hammurabi.
-Naging tanyag na hari ng mga Nebuchadnezzar. Ito ay pinagawa niyang Hanging Gardens na itinuturing na isa sa Seven Wonders of Ancient World. Ito ay isang bai-baitang na hardin na alay para sa kaniyang asawa na si Reyna Amytis.
-Pagsapit ng taong 586 BCE, nasakop ng mga Persyano ang kaharian ng Chaldean.
-Ginamit naman nila ang bronse bilang kasangkapan at armas.

2 comments: