Tuesday, July 29, 2014
Ang Sinaunang Kabihasnan ng China
China
-Sa lambak sa pagitan ng mga ilog ng Huang Ho at Yangtze sumibol ang mga unang pamayanan sa China.
-Ang hangganan ng lambak sa hilaga ay ang Disyerto ng Gobi
-Sa silangan ay ang Karagatang Pasipiko.
-Ang mga kabundukan ng Tien Shan at Himalaya ay nasa Kanluran.
-At sa timog ay ang mga kagubatan ng Timog-Silangang Asya.
Ang Unang Dinastiya
Dinastiyang Hsia
-Pinag-isa nito ang pamayanan sa paligid ng Huang Ho.
-Ang unang hari nito ay si Yu, isang inhinyero at matematiko.
-Sa pamumuno ni Yu, nagsagawa ng proyekto ang mga Tsino para sa irigasyon na hahadlang sa mapinsalang pagbaha ng ilog.
Dinastiyang Shang
-Pumalit ito sa dinastiyang Hsia noong 1500 BCE.
-Ang tatlong pangunahing katangiang paghahari ang mga Shang ay ang
-pag-uumpisa ng pag-sulat
-kaalaman sa paggamit ng bronse
-ang pag-aantas ng lipunan.
-May sistema ng pagsusulat ang dinastiyang Shang subalit itoay itinatala sa mga piraso ng kawayan kaya hindi nagtagal.
-Ang tanging ebidensiya ng kanilang sistema ng pagsulat ay mula sa oracle bones.to ay isang piraso ng buto ng pawikan na sinusulatan ng katanungan at binibigyang kasagutan ng isang shaman.
-Natutunan din ng mga Tsino ang paggamit ng bronse sa paglikha ng armasat kagamitang panrelihiyon.
-Hinati ng dalawa ang lipunan sa panahon ng dinastiyang Shang.
-Ang unang pangkat ay ang mga maharlika at mandirigma na nabuhay sa mga palasyo at tinatamasa ang maranyang buhay.
-Ang ikalwang pangkat ay ang malaking bahagi ng populasyon na binubuo ng mga magsasaka.
Dinastiyang Zhou
- Noong taong 1027 BCE, napatalsik ng mga Zhou ang dinastiyang Shang.
-BIlang pagtitibay ng kanilang pamamahala, ipinagpatuloy nila ang konsepto ng Tian Ming o "mandato ng langit" na ang hari ang kinikilalang kinatawan ng langit sa mundo.
-Ang siklo ng pagtatatag, pagbagsak, at pagpapalit ng dinastiya ayon sa mandato ay tinaguriang siklong dinastiko (dynastic cycle).
-Pagsapit ng 300 BCE, nagsimulang mawalan ng kontrol ang dinastiyang Zhou sa mga lalawigan at namayani at namayani ang malalakas na warlords.
-Ang malagim na panahong ito sa kasaysayan ng China ay tinaguriang "Panahon ng mga Nagdidigmaang Estado"
Dinastiyang Qin
-Ang nagtagumpay sa mga nagdidigmaang estado ay ang dinastiyang Qin na pumalit sa dinastiyang Zhou.
-Tinawag ng pinuno ng Qin ang kaniyang sarili na Shi Huangdi na nangangahulugang unang emperador.
-Sa layunin na mapapatag ang bagong dinastiya, inutos ni Shi Huangdi sa lahat ng maharlikang pamilya ng bawat estado sa buong China na manirahan sa kabisera ng imperyo na Xianyang.
-Hinati niy ang mga estado sa 36 na distrito na pinamumunuan ng mga tapat na opisyal ng Qin.
-Ipinag-utos ni Shi Huangdi na isunog yung mga isinulat ng mga guro ng Confucianismo at pagsalang sa kanila, ang tawag sa pamahalaang ito ay autocracy.
-Pinagtuunan din niya ng pansin ang mga kalaban nila na mga Xiongnu, sila ang mga barbaro galing sa Mongolia, sa pamamagitan ng padadagdag ng pader, Ang may haba na 1400 kilometro na nag-umpisa sa baybayin ng Huang He at nagwawakas sa Tibet.
-Tinularan ng mga sumunod na dinastiya ang pagtayo ng mga pader bilang depensa laban sa mga barbaro.
-Sa kasalukuyan, ang mga pader na ito ay kinilala bilang Great Wall Of China.
-Noong 202 BCE, tatlong taon matapos mamatay si Shi Huangdi, bumagsak ang dinastiya nang mag-alsa ang mga tao.
-Matapos nito ay napunta na ang "mandato ng langit" sa mga Han.
Mga Pilosopiyang Lumitaw sa Huling Dalawang Dinastiya
-Tatlong pilosopiya ang nabuo sa China sa mahaba nitong kasaysayan. Ito ay ang Confucianismo, Taoismo at Legalismo.
Confucianismo
-Si Confucius ay ipinanganak noong 551 BCE, sa panahon na ang dinastiyang Zhou ay unti-unting nawawasak dahil sa digmaan ng mga estado.
-Namuhay siya bilang isang iskolar at ayon sa kaniyang pag-aaral, dapat taglayin ng bawat isang jen o ang kabutihan at pagmamahal sa kapuwa.
-Maipapakita ng jen sa pagsasaayos ng limang ugnayan sa kapuwa na dapat tuparin ng mga Tsino upang magkaroon ng kaayusan, kapayapaan, at mabuting pamamahla. Ang mga ito ay mga sumusunod:
1. Ugnayan ng pinuno at mamayan
2. Ugnayan ng ama at anak
3. Ugnayan ng mag-asawa
4. Ugnayan ng matandang kapatid sa nakakabata
5. Ugnayan ng magkaibigan
-Naniwala rin si Conucius na ang edukasyon ay susi upang ang isang karaniwang taoay maging maginoo.
-Ayon pa kay Confucius, dapat ding taglayin ng isang maginoo ang mga sumusunod na apat na mabuting asal:
1. Maging magalang sa pakikitungo sa iba.
2. Maglingkod nang tapat sa pinuno
3. Tugunan o higitan pa ang mga pangangailangan ng mga tao
4. Maging makatarungan sa pakikitungo sa mga tao.
Taoismo
-Ang isa pang pilosopiya na sumibol sa China ay ang Taoismo. Itinuro ito ng pilosopong si Lao-Tzu na namuhay noon 6 BCE,
-Naniniwala si Lao-Tzu na ang pinakamahalagang gawain upang makamit ang kaayusan at kapayapaan ay ang pagpaubaya sanatural na takbo ng kalikasan.
-Ayon sa kanyang aklat na Tao Te Ching, mayroong puwersa ng kalikasan na namamahala sa lahat ng mga bagay sa mundo.Ito ay tinatawag na Tao o "landas"
-Bahagi ng paniniwala ng mga Taoist ang konsepto ng yin at yang na dalawang puwersa na nagpapakilos sa kalikasan.
-Ang yin ay sumisimbolo sa lupa, dilim at kababaihan.
-Ang yang ay sumisimbolo sa langit, liwanag at kalalakihan
-Kailangan tiyak na balanse ang dalwang puwersa para matiyakang kapayapann at kaayusan, kung may naganap na dgmaan, sakuna o kaguluhan,ito ay sanhi ng hindi balanseng ugnayan ang yin at yang.
Legalismo
-Sina Hanfeizi at Li Su ay dalawa sa mga nagsulongng pilosopiyang ito, ang malakas at mahusay na pamahalaan ang susi sa pagpapanatili ng kaayusan.
Labels:
China
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Thanks po sa lahat
ReplyDeleteThank po
ReplyDeleteits cool but thank you and im sorry if i didnt read it becuase its too long too but thank you
ReplyDelete