Tuesday, July 29, 2014

Ang mga Kabihasnan sa Amerika


Amerika
-matatagpuan ang mga kontienente ng North at South America sa pagitan ng dalawang malalawak na karagatan, Ang Karagatang Pasipiko at Karagatang Atlantiko.
-Nagmistulang hadlang ang mga karagatang ito upang makipag-ugnayan ang mga kabihasnan sa America sa ibang kabihasnan sa Asya, Africa at Europe. Nagdulot ito ng pagkaroon nila ng namumukod-tanging kabihasnan.


Olmec
-Tinatawag na Olmec o mga taong goma (rubber people) ang mga pamayanan na naninirahan sa baybayin ng Golpo ng Mexico noong 1200 BCE.
-Sinasabi na ang kabihasnan ng mga Olmec ang base culture ng America dahil ang kanilang mga naimbento at nilikhang kasangkapan at kaalaman ay hiniram at ginamit ng mga sumunod na kabihasanan.
-Nakasentro sa trlihiyon ang buhay ng mga Olmec.
-Isa pang pag-sasamba ng mga Olmec sa kanilang diyos ay pamamagitan ng isang laro, isa itong seremonya na ang maglalaro at maglalaban ay dalawang pangkat ng isang ballcourt, tanging braso lamang at balakang ang maaring gamiting upang ipasok yung gomang bola sa stone ring. Ang mga matatalong manlalaro ay isasakripisyo sa kanilang diyos.
-Hangaang kasalukuyan, hindi pa natuklasan ang paraan ng pagbasa sa sistema ng pag-sulat ng mga Olmec.
-Tanhing sistema ng pagbibilang ang nauunawaan ng mga eksperto. Binubuo ito ng:
  -1- isang dot/tuldok
  -5- isang bar
  -at 0
-Ginamit nila ang sistema ng pagbibilang sa pag-tala ng mga eklipse at paggalaw ng mga planeta.
-Lumikha rin sila ng dalawang kalendaryo na gamit sa pang-araw-araw at sa panrelihiyong sermonya.


Teotihuacano 
-Matatagpuan sa lambak ng Mexico ang tinaguriang "Lupain ng mga Diyos"o Teotihuacan.
-Ang Teotihuacan ay kinikilala bilang unang lungsod sa America.
-Mula 100 CE, ang lugar na ito ay naging sentro ng mga magsasaka, artisano, arkitekto, at musikero.
-Sinasamba ng mga Teotihuacano ang diyos na si Quetzalcoatl o ang tinaguriang Feathered Serpent.
-Ayon sa kanilang paniniwala, si Quetzacoatl ang nagbigay ng tao sa kaalaman sa pagsasaka, pagsulat, paglikha ng kalendaryo at paggawa ng batas.
-Nagapi ng sumalakay na Chichimec ang Teotihuacano noong 700 CE at sinunog ang lungsod ng huli.
-Lumikas ang mga tao at ito ang nagsilbing katapusan ng makapangyarihang lungsod.



Mayan
-Nagsimulang sumibol ang kabihasnan ng mga Mayan mula sa mga pamayanang nagsasaka na nagtayo ng mga sentrong panrelihiyon para sa kanilang diyos.
-Mula rito, lumaki ang mga pamayanan at naging mga lungsodtulad ng Tikal, Copan, Uxmal, at Chicken Itza na matatagpuansa katimugang Mexico at sa Gitnang Amerika.
-Nahahati sa apat ang antas ng lipunan ng mga Mayan.
  -Ang pinakamataas na antas ng lipunan ang mga maharlika na namamahala sa mga mamamayan sa lungsod. Samantala, kaagapay din ng maharlika ang halach uinic (tunay na tao).
  -Ang ikalawang antas ay ang mga pari na pinangungunahan ng tinawag na Ah Kin Mai (The Highest One Of The Sun).
  -Ang ikatlong antas naman ang mga magsasaka.
  -Ang pinakamababang antas ng kanilang lipunan ay mga alipin.

Kabuhayan
-Pagsasaka ng mais ang pangunahing kabuhayan nila.
-Mayroon din silang industriya ng paghahabi ng tela, pagpapalayok, at pag-ukit ng jade, obsidian, kahoy, kabibe at bato.

Relihiyon
-Tulad ng mga naunang nabanggit na kabihasnan sa America, nakabatayrin ang buhay ng mga Mayan sa kanilang relihiyon.
-May pagkakataon din na nag-aalay sila ng tao sa mga cenote, isang malalim na balon, bilang sakripisyo sa kanilang mga diyos.
-Ang mga pari ang namumuno sa mga seremonya ng pag-aalay.
-Tinularan din ng mga Mayan ang seremonya ng mga Olmec na paglalaro ng bola bilang pagsamba sa kanilang diyos. Tinawag nila itong poc-ta-tok na nilalaro rin sa isang ballcourt. Kailangan ibuslo ng magkalabang pangkat ang isang bolang goma sa isang stone ring. Ang pangkat ng manlalaro na matatalo ay nagsisilbing alay ng kanilang mga diyos.

Katangian ng Kabihasnan sa Iba't Ibang Larangan
-Ang mga pari rin ang nanguna sa pagpaunlad ng matematika, astronomiya, at pagsasaayos ng mga kalendaryo.
-Dala ng impluwensiyang Olmec, gumamit din sila ng zero sa pag-bibilang.
-Sa pamamagitan ng pag-tala ng pagkilos ng araw at buwan, nakabuo ang mga pari ng isang kalendaryong banal na may 260 araw at isang kalendaryong solar na binubuo ng 20 buwan na may tig-8 araw.
-Ang mga Mayan ay nakalikha rin ng sistema ng pag-sulat. Binubuo ito ng 800 simbolong hieroglyph.
-Sa larangan ng arkitektura, nagtayo ng mga piramide ang mga Mayan na pinagdarausan ng mga seremonya ng pag-aalay sa kanilang mga diyos. Ito ay matataas na templo na nagsilbi ring monumento at musoleo ng kanilang mga pinuno. Isa sa mga natatanging templo ay ang Pyramid of The Jaguar na matatagpuan sa Tikal.


Aztec
-Nagmula sa hilagang Mexico ang mga nomadikong Aztec na kilala rin sa tawag na Mexica.
-Sa pag-sapit ng ika-15 siglo, ganap nang napasailalim sa imperyong Aztec ang kabuuan ng gitnang Mexico, mula Dagat Carribean hanggang Karagatang Pasipiko.
-Itinuturing na extinctive empire ang pamamahala ng Aztec dahil kapag nasakop nila ang isang lungsod o kaharian, hindi nila pinapalitan ang mga pinuno. Naniniwala sila na mas epektibo kung pamamahalaan ng mga lokal na lider ang kanilang lungsod.
-Ang kapalit ng ganitong pamamahala ay ang pagbayad ng mga tao ng tributo sa imperyo. Ito ay sa pamamagitan ng mga na isasakripisyo sa mga diyos, pagkain, tela, at kasangkapan.

Lipunan
-Nahahati sa talong antas ang lipunang Aztec.
  -Ang unang antas ng lipunan ay mga maharlika na kinabibilangan ng pamilya ng hari, kaparian at mga pinuno ng hukbo.
  -Ang ikalawang antas ng lipunan ay binubuo ng mga ordinaryong mamamayan tulad ng mga magsasaka, mangangakal, sundalo, at artisano.
  -Ang ikatlo at pinakamababang antas ng lipunan ay mga alipin.
-Mayroong ding pangkat ng mga mangangakal na tinatawag na pochteca na pinahahalagahan ng lipunan.
-Sila ay nagtutungo sa iba't ibang bahaging imperyo upang makipagkalakalan at kumuha ng mga produkto tulad ng armas, lubid, kakaw, at mga balat ng hayop. Nagsisilbirin silang espiya upang malaman ang puwersa ng ibang kaharian.

Relihiyon
-Sa lungsod ng Tenochtitlan matatagpuan ang mga templo para sa maraming diyos ng mga Aztec.
-Kabilang sa mga diyos ng mga Aztec ay sina Tlaloc, Huitzilopochtli, Quetzalcoatl, at Tezcatlipoca.
-Ang pangangailangang ito ang nabunsod sa digmaan na tinatawag na Flowery Wars. Sa labanang naganap, ang mga mandirigma na matatalo ang magsisilbing alay sa diyos.
-Mayroon ding seremonya ng paglalaro ng bola na tinatawag na ullamaliztli.

Katangian ng Kabihasnan
-Tinularan ng mga Aztec ang mga Mayan sa paglikha nila ng isang kalendaryo.
-Ang isang taon ay binubuo ng 365 araw at tinatawag na xiuhpohualli.
-Mayroon din silang kalendaryong panrelihiyon na tinatawag na tonalpohualli na binubuo ng 260 araw.
-Sa larangan ng arkitektura, ipinakita ng mga Aztec ang husay sa pagtatayo ng mga gusali na hindi gumamit ng semento.
-Sa larangan ng pagsasaka, lumikha ang mga Aztec ng mga chinampa. Ito ay isang taniman na yari sa banig na damo at tinambakan ng lupa.
-Nagwakas ang imperyo ng Aztec nang mapasailalim ito sa kapangyarihan ng Spain noong 1519.
-Sa pangunguna ni ni Hernan Cortes, nagapi ng mga Espanyol ang mga Aztec. Natalo sila bunsod na rin ng digmaan at pagkalat ng sakit.


Inca
-Sa South America, sumibol ang isang kabihasnan at imperyo na sumakop sa malaking bahagi ng Kabundukang Andes.
-Umabot ang territoryong sakop nito sa Peru, Bolivia, Ecuador at mga bahagi ng Chile at Argentina.
-Nag-simula sa isang maliit na pamayanan sa lambak ng Cuzco ang mga Inca.
-Sa pamumuno ni Pachacuti Inca, lumawak ang nasasakupan ng mga Inca at nakabuo sila ng isang imperyo.
-Tinawag si Pachacuti Inca na Tahuantinsuya (Land of the Four Quarters).

Pamahalaan
-Ibinatay ng mga Inca sa allyu ang pamamahala sa kanilang imperyo.
-Ang allyu ay ang pagtutulungan ngmga pangkat ng mga tao para sa ikakabuti ng kanilang pamayanan.
-Ang pangunahing hinihingi ng mgapinunong Inca sakanilang nasasakupan ay ang pagganap sa tungkulin ng mita o ang pagtatrabaho para sa imperyo.
-Maaring maglingkod sa mga bukirin, tumulong sa pagtatayo ng mga templo at palasyo, o kaya ay maglatag ng mga kalsada ang mga mamamayan sa loob ng ilang araw.

Relihiyon
-Maraming sinasambang diyos ang mga Inca. Pangunahin dito si Viracocha na pinaniniwalaang tagapag-likha ng mundo.
-Gayunman, sinasamba si Inti, ang diyos ng araw, dahil naniniwala silang ang kanilang emperador ay inapo ni Inti.
-May mga pari na namumuno sa seremonya ng pagsamba na tiunutulungan ng mga mamakuna o "birhen ng araw"
-Sila ay mga dalaga na si sinanay maging mga guro, manghahabi, at tagagawa ng alak na chicha upang magamit sa mga seremonya.

Kabuhayan
-Ang lahat ng mga lupaing sakop ng mga Inca ay pag-aari ng imperyo.
-Hinati ito sa lupain para sa hari, sa relihiyon at sa mga mamamayan.
-Nagtanim ang mga Incang patatas, mais, at kamoteng kahoy sa dalisdis ng mga bundok na ginawa nilang hagdan-hagdang palayan.
-Upang maiwasan ang pagkabulok ng patatas, nakabuo ng isang paraan ng preserbasyon ang mga Inca na tinawag na chuno.
-Ang patatas ay dinudurog at pinatutuyo sa malamig na hangin.
-Sa ganitong paraan, naiiwasan ng mga Inca ang taggutom.

Katangian ng Kabihasnan
-Ang mabundok na lupain ng imperyo ay hindi naging sagabal sa mabilis na komunikasyon sa mga lungsod ng Inca.
-Nagpagawa sila ng 12000 milyang kalsada sa gilid ng kabundukan.
-Bumuo rin sila ng mahahabang tulay na gawa sa baging na nag-uugnaysa magkabilang pampang ng isa o ilog.
-Walang sistema ng pagsulat ang mga Inca. Nakabatay lamang sa memorya at quipu ang mga tala ng kautusan o batas ng kanilang pamahalaan.
-Ang quipu as mga nakabuhol na lubid na may iba't ibang kulay. Ang bawat buhol ay may katumbas na bilang o kuwento na nakabatay sa alaala ng tagapg-ingat nito.-
-Mayroon ding dalawang uri ng nilikhang kalendaryo ang mga Inca na tulad sa mga Mayan. Ginagamit nila ito para sa pag-samba at pag-aalay sa kanilang mga diyos.

13 comments:

  1. Maraming salamat po, kinailangan ko po ito para sa assignment namin

    ReplyDelete
  2. Salamat kasi Kung google wala netoh hahahaha

    ReplyDelete
  3. More question po!!last na po!
    Ano po ang paniniwala ng bawat kabihasnan sa amerika?
    Paki sagot po plssss

    ReplyDelete
  4. May bagyo po b n pumasok s panahon n to?at kung naitala b nila ito..

    ReplyDelete
  5. thank you po.. mabuhay po kau hanggang gusto nio...

    ReplyDelete
  6. TITIAN BOOST AT THE BETMGM CASINO - ITNIC BOOST AT THE BETMGM
    TITIAN BOOST titanium quartz AT THE citizen titanium dive watch BETMGM CASINO. titanium bolts TITIAN BOOST AT titanium chainmail THE BETMGM CASINO. TITIAN BOOST AT THE BETMGM CASINO. TITIAN BOOST AT THE BETMGM CASINO. TITIAN BOOST samsung titanium watch AT THE BETMGM

    ReplyDelete