Tuesday, July 29, 2014

Kabihasnan sa Africa

Africa
-Maliban sa Egypt, may mga sumibol pang kultura at kabihasnan sa Africa.
-Isa sa mga sinaunang kultura ay mga taong Nok na nanirahan sa Nigeria mula 500 BCE hanggang 200 CE.
-Ang mga Nok ay mga magsasaka na unang nakaalam ng paraan ng pagpapanday ngbakal sa bahaging iyon ng Africa.
-Lumikha rin sila ng mga kasangkapan gamit ang luad, kahoy, at mga bato.
-Sa Kanluran Africa naman nagmula ang mga Bantu.
-Sila ay mga magsasaka at tagapastol ng baka.
-Kalaunan, ang patuloy ng paglalakbay timog ng mga Bantu, ay nakaimpluwensiya na rin sa wika ng mga tao kaya ang lengguwahe ng mga Bantuang nagsilbing pangunahing wika sa Hilagang Africa at Timog Africa.

Kushite
-Sa mahigit 2000 taon, napasailalim sa kapangyarihan ng mga Ehipsiyo ang relihiyon ng Nubia (ngayon ay Sudan)
-Kinikilala si Haring Pianki bilang unang hari sa mga Kushite.
-Dahil natalo sila sa mga Assyrian, napilitan ng hari na lumipat at magtatag ng bagong kabisera sa lungsod ng Meroe.
-Gayunman, katulad ng ibang kaharian, unti-unti ring humina ang Meroe mula 250 hanggang 150 BCE.
-Sa pagsapit ng 350 CE, tuluyan na itong bumagsak nang mapasailalim ito sa mga Aksumite.

Aksumite
-Ayon sa isang alamat ay pinagmulan ng Kaharian ng Aksum ay pinasimulan ng anak ni Reyna ng Sheba at haring Solomon ng Isael. Ito'y matatgpuan sa hilagang-silangang ng Africa. Ito'y sentro ng ruta ng mga caravan patungong Egypt at Meroe.
-Tinawag na cosmopolitan ang kulturang Aksumite sanhi ng kanilang pakikipag-ugnayan at pagiging bukas sa impluwensiya ng dayuhan.
-Ang mga mangangalakal na ito ay mula sa iba'tibang lupain tulad ng Egypt, Persia, Rome, Arabia, at India.
-Ang mga pangunahing nilang kalakal ay asin, ginto, garing, sungay ng rhinoceros, tela, alak, brass, tanso, at bakal.
-Sa larangan ng arkitektura, natuklasan ng mga Aksumite ang paraan ng pagbuo ng mga gusali yari sa bato.
-Ang stelae ay nagsilbing alaala sa mga tao ng tagumpay ng kanilang hari at kadakilaan ng kanilang kaharian.
-Maging sa larangan ng pagsasaka, nagpakita sila ng kahusayan sa pamamagitan ng terrace farming.
-Humakay rin sila ng isang dam at mga imbakanng tubig upang mayroon silang magamit sa pagsasaka.

Ang mga Imperyong Pangkalakalan

Ghana
-Soninke ang tawag sa mga mamayan ng Ghana. Ang mga Soninke ay marunong sa pagsasaka at pagpapanday. Ang kanilang munting pamayon ay lumago sa isang imperyo dahil ito'y isa sa mga sangandaan ng kalakalan sa Africa.
-Ito saklaw ng territoryo ng Ghana ang tanging rutang dinaraanan ng mga caravan ng ginto mula sa Wangara sa Mali at asin na mula sa hilagang disyerto.
-Nakamit ng Ghana ang rurok ng kanilang kapangyarihan noong 1000.
-Nagtayo sila sa kanilang imperyo ng dalawang kabisera, ang Kumbi Saleh at El Ghaba.
-Noong 1054, ang mga Almoravid ng Morroco ang sumalakay sa kaharian.
-Bunsod nito, unti-unting humiwalay ang ilang maliliit na estado na lubusang nagpahina sa imperyo.



Mali
-Sila ay pumalit sa kaharian ng Ghana. Ang naging una emperador ng Mali ay si Sundiata. Kanyang sinakop ang kaharian ng Ghana sa pamamagitan ng pakikipagdigmaan. Isa rin sa mga emperador ay si Mansa Musa.
-Ipinag-utos din ni Mansa Musa ang pagtatayo ng mga moske at mga lungsod-kalakalan tulad ng Timbuktu na kalaunan ay naging sentro ng kaalamang Muslim.


Songhai
-Ang mga Songhai ay kanilang ipinalawak ang teritoryo at namamahala sa mga rutang pangkalakalan. Ang isa sa kanilang pinuno ay si Sunni Ali". Kanyang binuo ang isang barkong pandigmaan at mga sundalo.
-Ang kabisera nito ay Gao at pinamahalaan ang mga rutang pangkalakalan.
-Sinakop nila ang Timbuktu, Gao, at ang Djene na sentro ng kalakalan sa Africa kaya nagdala ito ng malaking yaman sa imperyo.
-Nang namatay si Sunni Ali noong 1492, humalili bilang pinuno ng kaharian ang kaniyang anak.
-Ang nagpabagsak sa imperyo ng Songhai ang kakulangan nito sa makabagong armas.
-Noong 1591, sinalakay ng mga Morrocan ang imperyo gamit ang mga baril at kanyon.
-Sa huli, matagumpay na nasakop ng mga Morrocan ang Songhai.


Hausa
-Ang mga Hausa ay dating mga Songhai. Sila'y naninirahan sa hilaga ng Nigeria sa mga lungsod na itinayo na Kano, Katsia at Zazzau.
-Ang pinuno ng bawat lungsod ay isang hari.
-Ang hari ay tinutulungan ng mga ministro sa pamamalakad sa pamahalaan.
-Pagsasaka, Paghahayupan, at paghahabi ang kabuhayan ng mga Hausa.


Benin
-Ang Kaharian ng Benin ay unang sumibol sa pampang ng Ilog Niger. Sa pamumuno ni Haring Ewuare, lumaki ang terirtoryo ng Nigeria at isinaayos ang kanilang lungsod.
-Tumagal ng ilang siglo ang kaharian hanggang sa sakupin itong Great Britain noong 1897.


Ang Imperyo Sa Katimugang Africa
-Noong 1000,nanirahan sa isang kapatagan sa pagitan ng mga ilog Zambezi at Limpopo.
-Ang Shona ay isang pangkat na nabuhay lamang sa pagsasaka at pagpapastol hanggang maging isang lungsod.
-Kinikilala ito bilang Great Zimbabwe (ang pangngalang Zimbabwe ay nangagahulugang "pader na bato"
-Pagsapit ng taong 1450, nilisan ng mga Shona ang Great Zimbabwe.
-Ang imperyong pumalit sa Great Zimbabwe ay itinatag ng isang prinsipeng Shona na si Mutota.
-Sa tulong ng kaniyang hukbo, nasakop niya ang Tavara at dun niya itinayo ang kabisera niya at tinawag na siyang Mwene Mutapa.
-Noong ika-16 na siglo tinangkang sakupin ngmga Portuges ngunit sila ay nabigo.
-Ang tumapos sa imperyong Mwene Mutapa ayang pananalakay ng ibang mga kaharian sa Africa.

3 comments:

  1. yeyh salamat..isa itong malaking tulong sa aming Grade 8s

    ReplyDelete
  2. wala po bang involved na wika dito

    ReplyDelete
  3. Thank you very much for this it really helped a bunch ^^



    ReplyDelete