Tuesday, July 29, 2014

Iba Pang Kabihasnan Sa Asya


Hitito
-Nagmula sa mga damuhan ng Gitang Asya ang mga Hitito.
-Noong 1650 BCE, nabuo ang imperyong Hitito at itinatag nila bilang kabisera ang lungsod ng Hattusass.
-Sa loob ng 450 taon, naging makapangyarihan ang mga Hitito sa Kanlurang Asya.
-Dalawa ang susi sa tagumpay sa digmaan ng mga Hitito.
  -Ang una ay ang paggamit ng mabibilis na chariot
  -Ang ikalawa ay kanilang kaalaman sa pagpapanday ng bakal upang gawing pana, palaso, palakol at espada.


Pheniciano
-Ang mga Phoeniciano, kabilang sa pangkat ng lahing Semitiko, ay nananahan sa mauunlad na lungsod-estado samay baybayin ng dagat Medditeraneo.
-Mahuhusay silang manggagawa ng ng barko, manlalayag, at mangangakal na nagtatag ng mga estratehikong lungsod na may daungan tulad ng Sidon, Tyre, Beirut, at Byblos.
-Bagama't hindi naging isang imperyo ang mga unang lungsod ng mga Phoeniciano, nagpadala naman sila ng mga tao upang magtatag ng mga kolonya sa Italy, Africa at Spain.
-Iba't ibang produkto ang ikinakalakal ngmga Phoeniciano tulad ng bakal, garing, at purple dye na mula sa Murex snail.
-Nakikipagpalitan din sila ng mga alipin.
-Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng mga pagbabago sa paggamit ng alpabetong sinimulan ng mga Phoeniciano.


Persyano
-Nagmula ang makapangyarihang imperyo ng Persia sa malawak na talampas ng kasalukuyang Iran.
-Kabilang ang mga persyano sa lahing Indo-Aryano.
-Ang salitang Persia ay halaw sa katagang Persis, bansag ng mga Griyego sa lugar na iypn.
-Sa simula, sumailalim sa makapangyarihang imperyo ng Assyria ang Persia hanggang sa taong 612 BCE.
-Kalaunan, tinalo nila ang imperyo ng Assyria at lumaya mula sa pananakop nito.
-Sailalim ni Cyrus the Great, lumawak ang imperyo ng Persia mula sa lambak-ilog ng Indus hanggang sa baybayin ng Dagat Aegean.
-Sa taong 523 BCE, matgumpay na nalupig ng tagapagmana ni Cyrus na si Cambyses II ang mga kaharian ng Egypt at Libya sa Africa.
-Humalili naman si Darius bilang bagong hari at lalo pa itong lumawak ang kapangyarihan ng Persia noong 521 hanggang 485 BCE. Sinakop ng kanyang hukbo ang Thrace at Macedonia na bahagi sa Europe.
-Itinuturing na isa ang imperyong Persyano sa pinakamalaking imperyo noong panahongiyon sapagkat nagawa nilang napalawak ang kanilang territoryo na umabot ng tatlong kontinente:
  -Asya
  -Africa
  -Europe

Pamahalaan:
-Sa simula, naging mahirap para sa mga Persyano na pamahalaan ang napakalawak nilang imperyo.
-Bunsod nito, hinati nila sa 20 satrapy o lalawigan ang kanilang territoryo.
-Pinamumunuan ang bawat lalawigan ng isang satrap o gobernador na hinirang ng hari.
-Sa mahabang panahon,napanatili ngmga Persyano ang katatagan ngkanilang imperyo dahil sa mahusay na sistema ng kanilang komunikasyon.
-Nagpagawa sila ng isang Royal Road na may habang 24000 kilometro at ang hangganan ay mula Susa (bahagi ng Iran) patungong Sardis (bahagi ng Turkey). Matatagpuan sa kahabaan ng naturang daan ang mahigit sa 100 supply stations at himilan na tumutulong sa mga manlalakbay.
-Ang pangunahing wikang ginagamit ng mga Persyano ay Aramaic na ginagamitng mga eskriba sa lahat ng bahagi ng imperyo.

Relihiyon:
-Ang sinaunang relihiyon ng mga Persyano ay kahintulad ng mga Aryano ng India.
-Gayunpaman, noon 600 BCE, ipinahayag ng propetang si Zoroaster na may iisang diyoslamang. Ang diyos na ito ay tinatawag na niyang Ahura Mazda na pinagmumulan ng kaliwanagan at katotohanan.
-Dagdag pa niyana bukod kay Ahura Mazda, may espiritu ng kasamaan na kinikilala niya bilang si Ahriman.
-Naniniwala si Zoroaster na patuloy ang digmaan ng puwersa ni Ahura Mazda at ni Ahriman.
-Sa pamamagitan ng paglilingkod kay Ahura Mazda at sa pamumuhay nag tamalamang makaligtas ang mga tao.

No comments:

Post a Comment