India:
-Ang hilaga ng India ay ang Kabundukan ng Hindu Kush, Karakoran at Himalayas.
-Sa Silangan naman nito matatagpuan ang Disyerto ng Thar
-Sa Kanluran naman ay ang Bundokng Sulayman at Kirthar
-Noong 2500 BCE, naglatag naman ang mga taga-Indus ng mga lungsod na gawa sa laryo na tinatayang umabot sa mahigit 100 lungsod ang matatagpuan sapampang ng ilog.
-Ang katangi-tangi sa kabihasnan ng mga taga-Indus ay ang pagsasaayos ng kanilang lungsod. Nakalatag ang kanilang mga gusali saplanong grid system, kung saan nahahati ng mga kalsada ang buong lungsod at nagkaroonng mga bloke ng lupain ng pagtatayuan ng mga tahanan at ibang estruktura.
-Sa kanluran ng mga kabahayan ay ang citadel na tinayuan ng mga pampublikong gusali, malaking paliguan,at mga templo. Sa labas ng lungsod ay ang libingan at mga imbakan ng pagkain.
Panahong Vediko ng mga Aryano
-Nagmula sa Gitnang Asyang mga mananakop na Aryano na pumasok sa lambak ng Indus simula 1500 BCE.
-Ang tanging tala ng kanilang buhay ay mahahalaw sa Vedas.
-Antas ng mga Tao sa Lipunan:
-Ang mga Aryano ang napsimula ng sistemang kasta (caste system) na ang layunin ay ihiwalay ang mga Aryano sa mga nasakop nilang Drabidyano.
-Sa simula nahati lamang sa tatlo ang uri ng mga tao sa lipunang Aryano:
-Ang mga Brahmin ay binubuo ng kaparian.
-Ang mga Kshatriya ay binubuo ng pinuno at mandirigma..
-Ang mga Vaishya ay binubuo ng mga mangangakal at magsasaka.
-Kalaunan, nabuo ang ikaapat na antas ng lipunan na tinawag na Shudra, kabilang sa pangkat na ito ang mga lahing hindi Aryano.
-Samantala, itinuturing namang hindi kabilang sa kasta ang mga dalit o tinatawag na mga untouchable. Kabilang dito ang mga mamamayan na walang malinis na trabaho, tulad ng:
-pagiging matador
-basurero
-at sepultero
-Panitikan
-Sa larangan ng panitikan, dalawang dakilang epiko ang nagmula sa India
-Ang Mahabharta ay nabuo ng 1000 hanggang 700 BCE. Naglalaman ito ng 90000 taludtod at itinuturing na pinakamahabang tula sa buong mundo. Inilahad ito sa digmaan na pinamumunuan ng limang magkakapatid na Pandavas na sina Dharmaputra, Bhima, Arjuna, Nakula at Sahadeva.
-Ang Ramayana ay isang tula tulad ng Mahabharta, inilahad sa epikong ito ang buhay ni Haring Rama atng kaniyang asawa na si Sita.
Pananampalataya ng mga Aryano
-Tampok na pinaunlad ng mga Aryano ang pananampalatayang Hinduismo.
-Sinuri ng mga guro ang nilalaman ng mga Vedas at kanilang nabuo ang aklat na Upanishads.
-Ang Upanishads ay kalipunan ng diyalogo ng isang guro at mag-aaral.
-Batay sa sulatin, kailangan maunawaan ng tao ang kaugnayan ng:
-Atman (ang kaniyang kaluluwa)
-Brahman (ang kaluluwa ng mundo)
-Moksha (ganap na pagkakaunawa sa ugnayan ng atman at brahman)
-Samsara (siklo ng pagsilang, kamatayan at muling pagkabuhay)
-Sa paglaganap ng relihiyon ng mga Aryan at ng kanilang sistemang kasta, maraming tao ang tumutol sa patakaran. Dahil dito, dalawang relihiyon ang sumibol bilang pag-tutol sa Hinduismo. Ito ay Buddhismo at Janismo.
Buddhismo
-Si Siddharta Gautuma ang nagturo ng Buddhismo sa India. Kabilang siya pamilya na naghari sa Kapilavstu na matatagpuan kasalukuyan sa Nepal.
-Nalaman niya ang sanhi ng kahirapan sa mundo nung nagnilay siya sa puno ng Bo ng 49 na araw.
-Ang kaliwanaganni Buddha ay nakabatay sa "Apat na Dakilang Katotohanan"
1. Ang buhay ay puno ng pagdurusa at kalungkutan.
2. Ang dahilan ng pagdurusa ay ang paghahangad at pagnanasa ng taosa mga materyal na bagay.
3. Ang pagwawaksi sa pagnanasa ay kailangan upang mawakasan ang pagdurusa.
4. Ang pagkakamit ng nirvana ay sa pagtahak sa daan ng Eightfold Path o Middle Way.
-Ang nilalaman ng Eightfold Path ay:
1. Wastong pananaw
2. Wastong hangarin
3. Wastong pananalita
4. Wastong kasalanan
5. Wastong pamumuhay
6. Wastong pag-susumikap
7. Wastong pag-iisip
8. Wastong pag-mumuni-muni
-Sa pag-lipas ng panahon, nahati ang Buddhismo sa dalawang pangkat:
-Theravada- naniniwala lamang sa makasaysayang Buddha (Gautuma) at sa ibang paniniwalang mga Buddha sa nakalipas.
-Lumaganap sa Sri Langka,Thailand, Burma, Cambodia at Laos.-Mahayana- naniniwala kay Gautama Buddha at Amithaba, at mga Mededcine Buddha.
-Lumaganap sa China, Tibet, Japan, Korea, Mongolia at Vietnam.
Jainismo
-Ayon sa mga nananalig ng Jainismo, lumitaw sa mundo ang magkakaibang panahon ang 24 na guro na nagturo samga tao upang mapalaya ang kanilang sarili sa karma.
-Tinawag sila na Jina na nangangahulugang "mananakop" at mga tirthankaras o"silang mga nakahanap ng landas sa kaligtasan"
-Si Vardhamana ay ika-24 na guro na itinuturing na tagapagtatag ng samahang Jainismo at itinanghal siyang Mahavira o "dakilang bayani".
-Ang tawag sa tagasunod ng Jainismo ay Ajainaor.
-Karamihan ng mga tagasunod ng Jainismo ay monghe na inaasahang susunod sa limang gabay ng pamumuhay.
1. Ahimsa- pamumuhayngpayapa at pagwaksi sa kaharasan sa anumang may bagay.
2. Satya- pagpapahalaga sa pagsasabing katotohanan.
3. Asteya- pag-iwas sa pagnanakaw.
4. Brahma-charya- pag-iwas sa aunumang gawain at pag-iisip namaka-mundo.
5. Aparigraha- paglayo sa hangarin ng pagkakaroon ng kaligayahang materyal.
Imperyong Maurya
-Noong 321 BCE, kinilala bilang haring Magadha (sa hilagang India)si Chandragupta Maurya.
-Pagsapit ng 303 BCE, nasakopng imperyo ang kabuuan ng hilagang India.
-Upang maayos ang mapangasiwaan ang imperyo, bumuo si Chandragupta ng isang sentralisadong kawanihan na magpapatakbo sa pamahalaan.
-Hinati rin niya ang imperyo sa apat na lalawigan na pinamumunuan ng isang prinsipe.
-Noong 301 BCE, humalili sa trono ni Chadragupta ang kaniyang anak na si Bindusara.
-Pagsapit ng 269 BCE, ang anak ni Bindusara na si Asoka ang tinanghal na hari ng imperyong Maurya.
-Pinatuloy ni Asoka ang pagpapalwak ng territoryo, subalit nakipagdigma siya sa iba, matagumpay siya pero ang kapalit nito maraming sibilyan ang nasawi, kaya pinag-aralan ni Asoka ang Buddhismo para mai-waksi niya ang digmaan at karahasan.
-Simula nito, nagbago si Asoka at meron siyang mga bagong utos, tulad ng:
-Isang malaking halagi kung saan nakaukit yung kautusan niya
-Pagtatrato ng patas at malaya ang tao sa pagpili ng relihiyon
-Isinaayos niya ang kalsada
-May patubigan na sa gilid ng kalsada
-Sa pagpanaw ni Asoka noong 232 BCE, pawang mahihina ang mga sumunod na hari na humantong sa tuluyang pagkawatak-watak ng imperyo.
Imperyong Gupta
-Makalipas ng 500 taong kaguluhan at digmaan, mayroong muling lumitaw na mahusay na pinuno sa kaharian ng Gupta. At siya ay si Chandra Gupta na nagtatag ng imperyong Gupta noong 320 BCE.
-Ang sumunod sa hari ni Chandra Guptaay nakaranas ng mga tao ng katahimikan at pag-unlad ng kabuhayan.
-Sinasabing sa panahon ng Imperyong Gupta, nakaranas ang India ng isang ginintuang panahon sa matematika, agham at panitikan.
-Sa larangan ng matematika, ipinakilala ng mga paham ang konsepto ng pagbibilang mula una hanggang ikasiyam na bilang. Ang kaalamang ito ay hiniram ng mga Arabe at dinala sa Europe kung saan nakilalaito bilang Hindu-Arabic numerals.
-Sa astronomiya, malaki naman ang ambag ni Aryabhata sa pag-aaral patungkol sa eklipse at sa teoryang pag-inog ng mundo sa araw.
-Pagsapit ng huling bahagi ng ika-5 siglo CE, pawang mahihina ang sumunod na mga haring Gupta.
-Napayabaan ng hukbong sandatahan at depensa ng imperyo hanggang nasakop ito sa mga mananalakay ng Gitnang Asya. At sa huli, nagkawatak-watak ang imperyong Gupta sa maliliit na kaharian.
No comments:
Post a Comment