Tuesday, July 29, 2014
Ang Mga Sinaunang Kabihasnan sa Egypt
Egypt
-Matatagpuan sa Kanluran ng Fertile Crescent, sumibol ang isang kabihasnan sa pampang ng Ilog Nile.
-Kumpara sa mga lungsod-estado na nabuo sa Mesopotamia, maagang naging isang kaharian ang Egypt kung kaya nakaranas ito ng matatag at natatanging kultura.
-Ang Egypt ay napapalibutan ng disyerto.
-Matatagpuan ang silangang hangganan ng Egypt ang Disyerto ng Sinai.
-Sa Timog naman matatagpuan ang Disyerto ng Nubia.
-Sa Kanluran naman matatagpuan ang Disyerto ng Sahara.
-Sa gitna ng Egypt, dito dumadaloy ang Ilog Nile at sa magkabilang pampang ng ilog nagtayo ng pamayanan ng Ehipsiyo.
-Ang biyaya hatid ng Ilog Nile ay nagdala ng pag-unlad sa Egypt kaya inilarawan ng Griyegong historyador na si Herodotus na ang Egypt ay handog ng Nile.
-Sa simula, nahahati ang Egypt sa dalawang kaharian. Nabuklod lamang ang dalawang kaharian kahariang ito sailalim ng pamumuno ni Menes noong 3100 BCE.
-Itinatag ni Menes ang kabisera sa Memphis at itinaguyod ang unang dinastiya sa Egypt.
-Sa paglipas ng 2600 taon, nagkaroon ng 31 dinastiya na namuno sa kaharian. HInati ito ngmga historyador ang mga kaharian sa tatlo:
-Ang Lumang Kaharian
-Ang Gitnang Kaharian
-Ang Bagong Kaharian
Lumang Kaharian
-Pinamumunuan ng mga paraon.
-Ang paraon ay itinuturing ding isang diyos ng mga tao kaya ganap ang kaniyang kapangyarihan sa buong Egypt.
-Tungkulin din niya ang pagsasaayos sa transportasyon, komunikasyon at at pakikipagkalakalan saibang bayan.
-Tinawag din itong "Panahon ng Piramide".
-Sa panahong ito, nagsimula na ang pagtatayo ng mga piramide para sa libingan ng mga paraon na hugis piramide.
-Ang unang piramide ay para kay Paraon Djoser na bai-baitang ang disenyo na matatagpuan sa Saqqara.
-Ang piramide ay isang patunay ng katatagan ng pamamahala at husay ng kanilang kabihasnan.
-Nagwakas lamang ito dulot ng pagkaka-ugnay ng mga suliranin tulad ng:
-Kakulangan sa pagkain dahil sa tagtuyot
-magastos na halaga ng pagtatayo ng piramide
-agawan sa kapangyarihan ng mga maharlika
-At sa huli, nagkawatak-watak ang Egypt sa maliliit nakaharian.
Gitnang Kaharian
-Sa pamumuno ni Haring Mentuhotep II, muling napag-isa ang Egypt. Ito ang pagsisimula ng ng Gitnang Kaharian.
-Muling pinalakas ng paraon ang sentralisadong pamamahala gayundin ang kalakalan ng ibang mga lupain.
-Tinawag din itong "Panahon ng Maharlika"
-Sa panahong ito, nakipag-ugnayan ang mga Ehipsiyo sa Syria upang kumuha ng cypress, lapis lazuli at iba pa.
-Nakikipag-kalakalan din sila sa Nubia upang makukuha ang ebony at incenso.
-Kalaunan, sa Silangang bahagi ng Egypt aymay mga naitayong pamayanang Hyksos. Ang mga Hyksos ay mga migrante mula sa Palestine na may angking kaalaman sa paggamit ng mga chariot at pagpapanday ng bronse para gawing sandata. Hanggang unti-unting lumakas ang Hyksos atna daigpanito ang mga paraon.
-Nagdala ng kaunlaran at kaayusan ang Egypt ang Hyksos sa loob ng 160 taon.
-Napatalsik lamang ang Hyksos sa Egypt saisang pag-aalsa na pinamumunuan ni Ahmose I sa Thebes.
Bagong Kaharian:
-Nagsimula ang Bagong Kaharian sa paghahari ni ni Ahmose I.
-Binuo niya muli ang Egypt saissang kaharian sa ilalim ng kabisera ng Thebes.
-Tinawag itong"Panahon ng Imperyo"
-Kabilang sa mga natatanging paraon ng Bagong Kaharian ay si Reyna Hatsepshut na unang babaeng paraon na nagdala ng katahimikan at kanluran sa Egypt sa loob ng 19 na taon.
-Pinalaki naman ni Thutmose III ang territoryo ng Egypt nang sakupin ng hukbong Ehipsiyo ang mga lupain hanggang Ilog Euphrates sa silangan at hanggang Nubia sa katimugan.
-Nang maging paraon si Rameses II, ipinatayo niya ang:
-lungsod ng Pi-Ramesses
-Abu Simbel
-Templo ng Ramesseum
-Nakipagdigma rin siya sa mga Hitito ng Syria at kalaunan ay nakipagkasundo sa kanila.
Katangian ng Kabihasnan:
-Relihiyon:
-Meron silang 2000 diyos. Ilan sa kanilang diyos ay si:
-Ra- diyos ng araw
-Horus- diyos ng liwanag
-Isis- diyosa ng mga ina at asawa.
-Naniniwala rin ang mga Ehipsiyo na jung mamamatay sila, dalawa la ang pinatutunguan nila, sa paraiso o sa mga mangangain ng kaluluwa.
-Nagpapatayo sila ng mga libingan na paglalagakan ng kanilang mga mummy o labi.
-Lipunan
-Maihahambing ng isang piramide ang anyo ng lipunan ng Egypt.
-Ito ang mga antas ng lipunan sa Egypt:
-Ang unang bahagi ay ang paraon at ang kanyang pamilya.
-Ang ikalwang bahagi ay ang opisyal ng pamahalaan at pinuno ng hukbo.
-Ang ikatlong bahagi ay ang mga mangangakal atartisano.
-Ang pinakamababang bahagi ay ang magsasaka at manggagawa na binubuo ng pinakamalaking bahagi sa populasyon ng Egypt.
-Pagsulat
-Ang pag-unlad ng sidtema ng pagsusulat ay susi sa paglago ng kabihasnan ng Egypt.
-Sa pamamagitan nito, naitala nila ang kanilang paniniwala, kasaysayan,at iba pang bahagi ng kanilang kultura.
-Meron silang paraan ng pagsusulat, tinawag ito na hieroglyphics.
-Nakaimbento din sila ng papel sa pagsusulat .na gawa sa papyrus reed, ang papyrus reeds ay isang halaman na ginagawa ng isang papyrus na papel.
-Agham at Teknolohiya
-Maraming imbensiyon ang nagawa ng Egypt, katulad ng:
-sistema na nakasulat na numero
-nakalumang paraan ng heometriya sa pagsukat ng kanilang lupain
-isang kalendaryo na nakabase sabituin ng Sirius. (365 na araw, 12 buwan, 30 araw at nadagdag ng limang araw para sa mga espesyal na okasyon)
-kilala sa larangan ng medisina.
Labels:
Egypt
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Thank you po
ReplyDeletesana ol
ReplyDelete